Comments

Entry: 1017: Sa Paglaya ng Aking Salita at UP Cine Adarna Sunday, February 22, 2009



Paano mo mapapalaya ang bayan, kung mismong sarili mo ay hindi mo mapalaya?”


inihahandog ng ESPEJO Productions,


1017: Sa Paglaya ng Aking Salita

sa panulat at direksyon ni: Zig Madamba Dulay




Sinopsis:

Sa kasagsagan nang pamamayani ng Presidential Proclamation 1017 ( State of Emergency) kung saan magkakasalikop ang isyu ng pagsikil sa kalayaan ng pamamahayag at kaguluhan sa bayan, mayroong dalawang nilalang na may gasgas ngunit bagong kuwento ng pagkakaibigan at pag-iibigan.

Magkababata sina Jojo at Manuel, magkasabay na pumasok sa UP ngunit naghiwalay ng landas nang magpasyang maging NPA ang huli. Sa kanilang muling pagkikita ay haharap si Jojo sa pagsubok ng realidad ng buhay, paano niya sasabihin sa kaibigan ang tunay na nararamdamang sinikil niya nang matagal. Handa ba siyang sundin at sundan ang taong pinapahalagahan at sumapi sa kilusan para sa kalayaan ng bayan? Ngunit paano niya mapapalaya ang bayan kung mismong ang sarili niya ay hindi niya mapalaya?


Panoorin sa MARCH 3, 2009, UP CINE ADARNA, 7:00PM

 para sa tiket magteks o tumawag sa 09064755774

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments