|
Kung Bakit Pinili Kong Maging
Tanga
Ay ayaw kong mabuhay sa
realidad Ng mundo ng pagpapanggap At pinaliligiran ng
nakangiting maskara Sabi ko nga, maskara nga
lang.
Kung bahagi ng pagpapahalaga Ang nakalaylay na katangahan, At iyon din naman ang sabi ko Kung bakit pinili kong maging
tanga.
Kung bakit kailangan ko pang
maisip Na ako’y tanga, at saka ko
nakita Ako’y nahuhumaling lang pala Sa taong siguro’y mas tanga
pa sa akin.
Tawagin man akong tanga, ayos
lang Kung ito ang magsasabing
manhid na nga ako Sa pagbibigay ng pansing
nakasentro Sa taong may pinagbibigyan
din ng sentrong pansin.
|