Comments

Entry: Dyornal entring luma Wednesday, July 23, 2008




Akala ko nung una, puwede kong madaan sa pagiging busy,

Para di ko na maisip, para din a ako magkaproblema at higit para din a ako masaktan.

 

Mali pala, kasi sa oras na marinig mo ‘yung pangalan ng tao, o kahit ‘yung picture niya, bumabalik balik talaga, hindi lang ‘yung alaala kundi ‘yung pakiramdam – pakiramdam na kasama mo siya dati, at ‘yung pakiramdam na nasaktan, at mas nasasaktan dahil sa mga alaalang ‘yun.

 

Kailangan sigurong harapin na lang, para kung sakaling bumulaga ito sa harapan ko, hindi na ako magugulat.

 

Alam ko naman na alam niya, nasaktan ako.  Sobra.  Di ba’t kaya nga dumating ako sa punto na tinalikuran ko ang lahat, lahat lahat na may kaugnayan sa kaniya.  Kung alam mo ‘yung pakiramdam na ginawa kang tanga sa harapan mo, ‘yun na ‘yun.  Pero hindi na ‘yun mahalaga, ayoko na ring alalahanin pa, masyadong masakit.

 

At pagkatapos nang pangyayaring ‘yun, wala man lang akong narinig.  Hindi ko hinihiling na kailangang humingi ng “sorry” pero parang di yata tama na parang wala lang ang nangyari, samantalang halos ikamatay ko ang sakit, akala ko nga di ko na kaya.

 

Ganun yata talaga siguro.  Masakit talagang tanggapin na ‘yung taong sobrang halaga sa’yo, ‘yun pa ‘yung manggagago sa’yo, o kung sino pa ang nagpapasaya sa’yo, siya pa ang magdudulot ng sakit sa nararamdaman mo.

 

Ilang gabi ko ring di naitulog ‘yun.  Ang hirap, ‘yun ang totoo.  Naghintay ako ng maraming araw, o buwan.  Pero walang nangyari.  Makatwiran lang naman siguro na maghintay na lang ako, nagawa ko na ‘yung bahagi ko, siguro oras naman para gawin niya ‘yung mga natitira pa.  Pero wala e.

 

Hindi ko alam, pero winalang bahala ko na nga e.

   2 comments

Taga-Cagayan de Oro
May 13, 2009   01:36 PM PDT
 
i can reflect..... hahay....
Taga-Cagayan de Oro
May 13, 2009   01:28 PM PDT
 
i can reflect..... hahay....

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments