|
Friday, August 07, 2009
Orisonte is a film about ordinary people with intertwined lives. happening in one day. Five personalities coming from different backgrounds, and each, with their own story to tell. Mariku who is searching for herself through learning about her past. Balt, who was forced to abandon his strict father and is coming back to fulfill a promise. Waya who is waiting for her faith to give up on a loved one that left so suddenly. Makoy who is hopeful and continues to dream for his family, and Balong who is waiting to be freed from the burden brought unto him by his Uncle.
Orisonte is a story of flight and return, waiting and dreaming, love and friendship. But more than that, it is a story of searching for one's self, in times of loneliness, in times of deep thought, the time where a person completes himself. The film reaches out to define that a man is the lead actor or character in his own story.
Cast
Mash Mojica Tia Pusit
Kahlel Uradaneta Bembol Roco
Rain Rosario Soliman Cruz
Jay-jay Jimenez G.A. Villafuerte
Sanae Murayama
AUGUST 29, 2009 UPFI CINEADARNA
Posted at 4:52 pm by Layap
Sunday, February 22, 2009
1017: Sa Paglaya ng Aking Salita at UP Cine Adarna
“Paano mo mapapalaya ang bayan,
kung mismong sarili mo ay hindi mo mapalaya?”
inihahandog ng ESPEJO Productions,
1017: Sa Paglaya ng Aking Salita
sa panulat at direksyon ni: Zig Madamba
Dulay
Sinopsis:
Sa
kasagsagan nang pamamayani ng Presidential Proclamation 1017 ( State
of Emergency) kung saan magkakasalikop ang isyu ng pagsikil sa
kalayaan ng pamamahayag at kaguluhan sa bayan, mayroong dalawang
nilalang na may gasgas ngunit bagong kuwento ng pagkakaibigan at
pag-iibigan.
Magkababata
sina Jojo at Manuel, magkasabay na pumasok sa UP ngunit naghiwalay ng
landas nang magpasyang maging NPA ang huli. Sa kanilang muling
pagkikita ay haharap si Jojo sa pagsubok ng realidad ng buhay, paano
niya sasabihin sa kaibigan ang tunay na nararamdamang sinikil niya
nang matagal. Handa ba siyang sundin at sundan ang taong
pinapahalagahan at sumapi sa kilusan para sa kalayaan ng bayan?
Ngunit paano niya mapapalaya ang bayan kung mismong ang sarili niya
ay hindi niya mapalaya? Panoorin sa MARCH 3, 2009, UP CINE ADARNA, 7:00PM
para sa tiket magteks o tumawag sa 09064755774
Posted at 11:15 am by Layap
Friday, September 26, 2008
Ninamnam ko ang katahimikan,
at ngayo'y katahimikan pa rin ang nais kong iparating
isang katahimikang dala-dala ng pagiging litang,
nasaan na ba ako?
ni sangandaan ay hindi ko maaninag,
ni ang sarili ko ay di makilala ang sarili niya,
kailan ako muling magigising?
Posted at 6:07 pm by Layap
Wednesday, July 23, 2008
Kung Bakit Pinili Kong Maging
Tanga
Ay ayaw kong mabuhay sa
realidad Ng mundo ng pagpapanggap At pinaliligiran ng
nakangiting maskara Sabi ko nga, maskara nga
lang.
Kung bahagi ng pagpapahalaga Ang nakalaylay na katangahan, At iyon din naman ang sabi ko Kung bakit pinili kong maging
tanga.
Kung bakit kailangan ko pang
maisip Na ako’y tanga, at saka ko
nakita Ako’y nahuhumaling lang pala Sa taong siguro’y mas tanga
pa sa akin.
Tawagin man akong tanga, ayos
lang Kung ito ang magsasabing
manhid na nga ako Sa pagbibigay ng pansing
nakasentro Sa taong may pinagbibigyan
din ng sentrong pansin.
Posted at 5:29 pm by Layap
Akala ko nung una, puwede kong madaan sa pagiging busy,
Para di ko na maisip, para
din a ako magkaproblema at higit para din a ako masaktan.
Mali pala, kasi sa oras na marinig mo ‘yung pangalan ng tao,
o kahit ‘yung picture niya, bumabalik balik talaga, hindi lang ‘yung alaala
kundi ‘yung pakiramdam – pakiramdam na kasama mo siya dati, at ‘yung pakiramdam
na nasaktan, at mas nasasaktan dahil sa mga alaalang ‘yun.
Kailangan sigurong harapin na lang, para kung sakaling
bumulaga ito sa harapan ko, hindi na ako magugulat.
Alam ko naman na alam niya, nasaktan ako. Sobra.
Di ba’t kaya nga dumating ako sa punto na tinalikuran ko ang lahat,
lahat lahat na may kaugnayan sa kaniya.
Kung alam mo ‘yung pakiramdam na ginawa kang tanga sa harapan mo, ‘yun
na ‘yun. Pero hindi na ‘yun mahalaga,
ayoko na ring alalahanin pa, masyadong masakit.
At pagkatapos nang pangyayaring ‘yun, wala man lang akong
narinig. Hindi ko hinihiling na
kailangang humingi ng “sorry” pero parang di yata tama na parang wala lang ang
nangyari, samantalang halos ikamatay ko ang sakit, akala ko nga di ko na kaya.
Ganun yata talaga siguro.
Masakit talagang tanggapin na ‘yung taong sobrang halaga sa’yo, ‘yun pa
‘yung manggagago sa’yo, o kung sino pa ang nagpapasaya sa’yo, siya pa ang
magdudulot ng sakit sa nararamdaman mo.
Ilang gabi ko ring di naitulog ‘yun. Ang hirap, ‘yun ang totoo. Naghintay ako ng maraming araw, o buwan. Pero walang nangyari. Makatwiran lang naman siguro na maghintay na
lang ako, nagawa ko na ‘yung bahagi ko, siguro oras naman para gawin niya ‘yung
mga natitira pa. Pero wala e.
Hindi ko alam, pero winalang bahala ko na nga e.
Posted at 5:26 pm by Layap
Monday, May 05, 2008
Sapagkat Hindi Lamang Paghikbi ang Kasiping ng Hiwalayan
Sa bawat di mapakaling tuldok
Ng inakalang subok na samahan
Mayroong isang tila nakatakdang
Mas masasaktan.
Batid ko ‘yon,
At marahil wala lang sa’yo
Iyon ang higit na makirot.
Ngunit pagsisisi’y ihinagis ko na
Isinama sa saliw ng hanging amihan
Sapagkat alam ko,
Isa itong palatandaan
Ako’y nagmahal. Ako’y tunay
na nagmamahal.
Posted at 6:20 am by Layap
|